Monday, December 04, 2006

Mga estudyante ko sa SO 100 at SO350: Basahin at pagbulat-bulayan

Sumulat ng isang reaksyon hinggil sa inyong mababasa. Isualt sa kalahating papel na dilaw. Ano ang inyong naramdaman habang binabasa ang pahayag. Sangayon ka ba o hindi? Ano ang iyong pananaw tungkol sa lumalalang pagpaslang ng mga lider ng mga progresibong grupo?

Huwag matakot. Assignment lang ito. Pwede ninyong isuslat kung ano ang tunay ninyong naisip tungkols sa pahayag.



Pagtutuwid sa katotohanan hinggil sa mga politikal na pamamaslang

Martin Montana
Tagapagsalita ng Chadli Molintas Command
New People's Army - Rehiyong Ilocos-Cordillera
Nobyembre 30, 2006

"Kung uulit-ulitin mo ang isang kasinungalingan, sa kalauna'y paniniwalaan ito ng mga tao." Ito ang nais makamit ng mga militar na propagandista ng rehimeng Arroyo sa pagkakalat ng kasinungalingan na ang mga aktibistang pinaslang o dinukot ng militar ay biktima raw ng isang purga sa rebolusyonaryong kilusan.

Walang purgahang nangyayari sa Partido at hukbong bayan. Walang katotohanan sa inilabas ng Nolcom na dokumento sa masmidya noong Nobyembre 13 na pinamagatang "The Truth Behind the So-Called Political Killings."

Ang naturang dokumento ay naglalaman ng mga umaalagwang kuro-kuro na binudburan ng mga kalahating katotohanan para magmukhang kapani-paniwala. Isa itong desperado at malisyosong pagsisikap ng militar para siraan ang rebolusyonaryong kilusan. Ibinibintang nito sa NPA ang walang awang pagpatay ng militar kina Jose "Pepe" Manegdeg at Albert Terredaño. Mas maaga pa, sinikap din ngunit nabigo si 21st IB CO Lt. Col. Francis Eugenio Lardizabal na ibintang sa NPA ang pagtambang sa pamilyang Claver.

Sino nga ba?

Ang militar, hindi ang NPA, ang itinuturo ng mga biktima, saksi, at kamag-anak bilang maysala sa mga pagpatay at pagdukot. Wala ni isa sa kanila ang naniniwala na NPA ang may kagagawan sa mga pagpatay. Sa kabila ng mga testimonya ng mga saksi na positibong nakakilala sa ilan sa mga pumatay at nagpaliwanag sa mabigat na sirkumstansya na sangkot ang militar dito, wala pa ni isang inaresto o kapani-paniwalang inimbestigahan ng militar o pulisya. Syempre, hinding-hindi nila idadawit ang sarili nilang mga kasamahan.

Ang rehimeng Arroyo, hindi ang CPP-NPA, ang pinagbibintangan ng mga kagalang-galangang international human rights organizations, mga dayuhang mambabatas, abogado, huwes, opisyal ng gobyerno, simbahan, relihiyosong lider, mamamahayag, tagapagtanggol ng mga karapatang pantao, at fact-finding missions, sa serye ng mga pamamaslang ng mga aktibista batay sa sangkatutak at naghuhumiyaw na ebidensya at testimonya.

Ang militar, hindi ang NPA, ang may motibong pumatay sa mga lider at kasapian ng mga ligal at progresibong organisasyon. Karamihan ng mga biktima ay aktibista na lumalaban sa kurakot at brutal na paghahari ni Arroyo. Absolutong kahangalan at kaululan ang paratang na papatayin ng NPA ang mga taong nagsusulong ng mga panlipunang pagbabago na siya rin namang ipinaglalaban ng rebolusyonaryong kilusan.

Ang militar, hindi ang NPA, ang may mga operatiba at tauhan sa mga syudad at sentrong bayan na may kakayahang magpatupad ng asasinasyon at pagdukot sa mga inosenteng sibilyan sa malawak na saklaw, sa mga pampublikong lugar, sa tabi ng istasyon ng pulisya o detatsment ng militar, kahit tanghaling tapat, nang walang takot na matiktikan, mahuli, o makasuhan.

Ang militar, hindi ang NPA, ang may napakalaking pondo at lohistika para magsagawa ng surbeylans at asasinasyon—kabilang ang mga espesyal na baril na may silencer, mga tinted vans at motorsiklo na lantarang humaharurot sa kalsada kahit walang plaka, mamahaling kagamitan sa pag-espiya tulad ng high-tech na cellphone interceptor na nakakatukoy ng phone number, nakaka-record ng voice calls, nagpapadala ng mga death threats sa pamamagitan ng text messages, at nakakatukoy ng lokasyon ng mga aktibistang target nila sa pamamagitan ng GPS. Ang MIG at ISAFP ay napilitang umamin na mayroon nga at ginagamit nila ang ganitong kagamitan noong panahon ng iskandalong "Hello Garci." Isang yunit nito ay nagkakahalaga ng $200,000 o P10 million at "pwede lang bilhin ng mga ahensya ng gobyerno o militar" ayon sa website ng nagmamanupaktura nito sa US.

Gayunpaman, makulit ang mga dilang ahas ng militar sa pagdudura ng mga makamandag na kasinungalingan na nagbabalatkayo bilang katotohanan. Bahagi ito ng kanilang huling barahang pagsisikap na siraan ng puri ang rebolusyonaryong kilusan. Bahagi ito ng ipinagyayabang ni Gloria na ambisyosong "endgame strategy" na dudurog sa "nagpapatuloy na problema sa insurhensya" sa loob ng dalawang taon. Bakit?

Pera, pera, pera

Ang mga "psywar experts" ng militar ay likas at sanay na sinungaling. Repleksyon ito ng sinungaling, mandaraya, at makamandag na katangian ng kanilang pekeng presidente, ang ina ng mga ipokrita na desperadong kumakapit sa kapangyarihan. Kinokopya ni Gloria Arroyo and estratehiya ni George W. Bush na nagpalabis sa banta ng terorismo para bigyang katwiran ang pagsakop sa Iraq, nag-imbento ng mga kasinungalingan tulad ng pagtatago ng mga mapamuksang bomba (walang nahanapan), o ugnay ni Saddam sa al Qaeda (walang ebidensya). Alam ng buong mundo na ang tunay na motibo ni Bush ay ang langis ng Iraq, pero makapal pa rin ang mukha niyang nagsinungaling.

Sa Pilipinas, alam pero hindi aaminin ni Arroyo at ng kasapakat niyang mga heneral na hindi nila kaya at hindi sila maaaring manalo sa digmaan laban sa rebolusyonaryong kilusan habang nagpapatuloy ang bulok na sistema na siya ring di sinasadyang nagbibigay sa NPA ng regular na pangkat ng mga bagong rekluta. Mismong si Fidel Ramos ay bumatikos sa huling barahang estratehiya ni Gloria at nagbabala siyang mabibigo ito. Kung gayon, bakit ipinagpipilitan pa rin ni Gloria at ng kanyang mga heneral ang kanilang ambisyosong plano?

Ang pangmilitar na ayuda ng America sa Pilipinas ay umabot sa katakut-takot na $114 milyon noong 2003 at $164 milyon noong 2005 (P8.2 bilyon), liban pa sa $148 milyon sa anyo ng sarplas na lohistika at $2.7 milyon para sa "edukasyong pangmilitar. "

Alam nina Gloria at kanyang mga heneral na matatamasa lang nila ang tuloy-tuloy na suplay ng multi-milyong dolyar na suporta ng America kung nagpapakatuta sila sa "digma laban sa terorismo" ng imperyalistang US. Alam na alam nila na kapag walang digma, hindi nila maikakatwiran ang lumulobong badyet ng militar at hindi nila makakamit ang "modernisasyon ng militar." Kung kayat, ano pang mas mainam na paraan para makakuha sila ng pondo mula sa America kundi ideklara ang todo gera laban sa rebolusyonaryong kilusan sa ngalan ng "anti-terorismo" ? Tuwang-tuwa ang mga heneral na sumabak sa imposibleng target na itinakda ng pekeng presidente dahil iyon lang ang daan para makakuha sila ng medalya at promosyon, umangat sa karera, makakuha ng kikbak, iskandalosong benepisyo sa pagretiro, at maperang mga posisyon sa gobyerno pagkaretiro.

Sa madaling salita, ang mga tuso at sakim na heneral ay makakatama ng tatlong ibon sa isang putok: patayin ang mga oposisyonista, isulong ang kanilang karera, at yumaman sa proseso.

Top Secret

Ang opisyal pero hindi nakasulat na patakaran ng gobyerno ay "patayin ang mga Kaliwa at ibintang ito sa Kaliwa." Dahil dito, ang mga death squads ay nabigyan ng gobyerno ng nakahandang palusot at garantiya na hindi sila huhulihin o masasakdal. Lisensyado silang pumatay ng gusto nila, nang walang takot na maparusahan.

Ang madugong kampanya ng rehimeng Arroyo laban sa ligal na kilusan ay binalak sa isang lihim na pulong ng Cabinet Oversight Committee for Internal Security (COCIS) kung saan kabilang si Gloria Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita, National Security Adviser Norberto Gonzales, former Defense Secretary Avelino Cruz Jr., AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon, at Justice Secretary Raul Gonzales. Ang kanilang pakana ay tinagurian sa salitang animo'y inosente: "nyutralisahin ang pampulitikang imprastruktura ng insurhensya" na ang ibig palang sabihin ay "isang sustenido at malawakang eliminasyon ng mga lider ng mga front organizations ng CPP-NPA para maghasik ng lagim na tatakot sa mga gustong sumapi sa naturang mga grupo, paralisahin ang kanilang kontra-gobyernong pagkilos, at pagkaitan ang CPP-NPA ng suportang pampulitika at pinansyal."

Lihim na ibinaba ng pangkating COCIS ang patakarang ito sa lahat ng mga batalyon ng AFP sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaan nilang mga kumander tulad ni Maj. Gen. Jovito Palparan, nang may mahigpit na koordinasyon sa ISAFP, MIG, at iba pang ahensyang paniktik. Ang buong proyekto ay direktang pinopondohan ng GHQ at hindi dadaan sa auditing, bagay na humatak sa interes ng mga naglalaway at kurakot na heneral. Ang lihim na planong ito ay kinumpirma ng ilang opisyal ng militar na hindi makasikmura sa kabangisan ng rehimeng Arroyo at nagpasa ng impormasyon sa rebolusyonaryong kilusan.

Modus operandi

Para isakatuparan ang plano, ang battalion commander, battalion S2, at hepe ng yunit paniktik ay naatasang bumuo ng isang death squad mula sa hanay ng kanilang tauhan, mula sa CAFGU, at pati mga rebel returnees para kung sakali mang mahuli ay madaling maibintang na "purga ng kilusan." Ang mga rebel returnees ay lilipulin din sa kalaunan at ibibintang sa isang purga. Bibigyan sila ng kakailanganin nilang armas, bala, motorsiklo, tinted vans, safehouse, at iba pang lohistika. Gagawa ang battalion commander, battalion S2, at hepe ng yunit paniktik ng listahan ng mga target na papatayin. Ang mga "prayoridad na rehiyon" ay may mas malaking quota ng target. Bawat batalyon ay binibigyan ng koordinado at takdang panahon para isagawa ang mga asasinasyon, nang sa gayon ay makamit ang "optimum, sustenido, at pambansang saklaw na sindak."

Dagdag na patunay sa responsibilidad ng militar sa uhaw sa dugong kampanya nito ay makikita sa powerpoint presentation ng AFP na pinamagatang "Knowing the Enemy" kung saan itinuturing ang mga progresibong organisasyon at party list tulad ng Bayan, Bayan Muna, Anakpawis, at iba pa bilang "communist fronts" at kung gayon ay "kaaway ng estado" na maaari at dapat lang na ituring bilang target pangmilitar. Kahit ang CBCP, UCCP, Philippine Independent Church, at Free Legal Assistance Group ay naisama sa listahang ito. Ang parehong linya ay matatagpuan din sa librong Trinity of War na siyang Bibliya ng mga heneral ng AFP at PNP sa kanilang kontra-insurhensyan g kampanya.

Isinisiwalat din ng mga deklasipikadong dokumento ng US ang pangangasiwa ng mga US "military advisers" at CIA sa pagbubuo ng mga death squads sa 43 bansa, kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Latin America, at iba pa.

Aroganteng inamin din ni "Berdugo" Palparan nang madulas ang dila niya sa masmidya sa pagsabing ang mga biktima ng politikal na asasinasyon ay bahagi lamang ng "collateral damage" sa kontra-insurhensyan g digma. Ang direktiba ng GHQ ay: "Huwag pag-ibahin ang armadong rebelde sa di-armadong sibilyang sumusuporta. " Ito ay lantarang paglabag sa internasyonal na makataong batas at alituntunin sa digma. Ang pagpuri ni Arroyo kay Palparan sa kanyang State of the Nation Address ay pahiwatig ng pagsang-ayon niya sa mga pamamaslang.

Ipinapakita nito kung gaano kalalim ang pasistang kaisipan ni Arroyo at ng militar. Para sa kanila, makatwiran ang pagpatay sa mga komunista. Wasto ang pagpatay sa mga sumusuporta at sumisimpatya sa mga ito, kahit pa sila'y di-armadong sibilyan. Walang karapatan ang mga taong ganito at itinuturing silang parang hayop na kakatayin. "Ang paggamit ng dahas ay makatwiran!" "Ang layunin ay nagbibigay-katwiran sa pamamaraan!"

Ito ay lubos na kataksilan at karuwagan. Dahil hindi nila magapi ang NPA sa marangal na labanan, ang mga manlalapa ni Gloria ay ibinabaling sa pagpinsala at pagpatay sa walang-laban at di-armadong sibilyan—sila man ay hamak na magsasaka, marangal na obispo, kumakayod na mamamahayag, o inosenteng bata—sa ngalan ng "kontra-terorismo. "

Mga Panginoon ng Panlilinlang

Ang hangganan ng kasakiman ng rehimeng Arroyo sa kapangyarihan ay hindi nagtatapos sa huramentadong pagsupil sa Kaliwa, kundi sumasaklaw din sa iba pang politikal na oposisyon. Mismong asawa ni Gloria Arroyo ang namamahala sa departamento ng maruruming taktika ng rehimen. Siya ang namuno sa paninigurong manalo ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pandaraya sa eleksyong 2004, panunuhol, pagkidnap o pagbanta sa mga "kontrabidang" opisyal ng COMELEC at mga kamag-anak nila, o paglipat sa mga di mapagkakatiwalaang opisyal ng militar sa ibang lugar o trabaho.

Bahagi rin ng maruming taktika ni Mike Arroyo ang mahigit 40 na kasong libelo laban sa mga mamamahayag, pagkidnap at pagbanta sa buhay ng mga pamilya ng mga testigo sa Senado at oposisyon, pagsunog sa mga dokumento ng eleksyon para mawala ang ebidensya ng pandaraya, pekeng banta ng pagbobomba, pekeng pakana ng asasinasyon kay Arroyo, paglikha at pagtanim ng pekeng ebidensya laban sa mga karibal, pekeng testigo, gawa-gawang kaso laban sa Batasan 5 at dagdag na tortyur sa Erap 5, ganting salakay at paninira sa mga karibal sa pulitika tulad ng tangkang suspensyon kay Makati Mayor Jejomar Binay, "calibrated preemptive response" laban sa mga nagrarali, atbp.Samantala, nagmamaang-maangan ang Gloria Arroyo sa mga nangyayari. Kunwa'y wala siyang alam sa mga berdugong gumagawa ng maruming trabaho para sa kanya, at kahit pa magamit ang buong arsenal ng gobyerno para sa samutsaring karumal-dumal na taktika para puksain ang kanilang mga kaaway.Isa pang paboritong taktika ng psywar department ng militar ay ang paggamit ng pekeng mass graves tulad ng sa Bukidnon, na mariing tinuligsa at pinabulaanan ng gobernador at iba pang opisyal ng Bukidnon. Dagdag pa, ang mga pagkakamali ng kilusan dalawampung taon na ang nakakaraan ay matagal nang itinakwil at itinuwid sa pamamagitan ng kilusang pagwawasto, at ang mga utak sa likod ng mga pagkakamali ay itiniwalag sa Partido.

Marahil ay inaakala ni Arroyo na ang isyu ng politikal na pamamaslang ay mamamatay at lilipas lang tulad ng iskandalong Hello Garci, pero nagkakamali siya.

Ang mga kasinungalingan ni George Bush ay nagsimula nang magbuwelta sa kanya at sa ultra-kanang kasapakat niya. Ang sandaigdigang pagsumpa sa kanya ay umabot na sa hanay ng mismong mamamayang Amerikano na ngayon ay nagtatakwil kay Bush. Ganyan rin at higit pa ang mangyayari sa reyna ng Pilipinas at sa kanyang mga heneral. Mahusay na natuto ang mga psywar experts ng Pilipinas sa kanilang Amerikanong guro, subalit wala silang natutunan mula sa rebolusyonaryong kasaysayan ng sambayanang Pilipino.

Muli, ang rebolusyonaryong kilusan ay hindi namamaslang ng aktibista para lang siraan or pahiyahin ang gobyerno o makakuha ng politikal na bentahe. Malayong sapat na at ubod ng husay ang ginagawa ng rehimeng Arroyo para siraan at ipahamak ang kanyang sarili sa iskandaloso, kurakot, mapanlinlang, at teroristang paghahari nito. Ang CPP-NPA at ang rebolusyonaryong kilusan ay hindi terorista, kundi lehitimong pwersang lumalaban para sa pambansang pagpapalaya mula sa dayuhang dominasyon, lokal na pyudalismo, at burukrata kapitalismo.

Kung alam lang ni Gloria at ng mga heneral niya, simple lang ang kalutasan ng "problema sa insurhensya"— ipatupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, panindigan ang pambansang kasarinlan at demokratikong mga karapatan ng sambayanan, at itakwil ang tatlong batayang problema sa lipunang Pilipino. #

Mga estudyante ko sa SO 100 at SO350: Basahin at pagbulat-bulayan

Sumulat ng isang reaksyon hinggil sa inyong mababasa. Isualt sa kalahating papel na dilaw.

Pagtutuwid sa katotohanan hinggil sa mga politikal na pamamaslang

Martin Montana
Tagapagsalita ng Chadli Molintas Command
New People's Army - Rehiyong Ilocos-Cordillera
Nobyembre 30, 2006

"Kung uulit-ulitin mo ang isang kasinungalingan, sa kalauna'y paniniwalaan ito ng mga tao." Ito ang nais makamit ng mga militar na propagandista ng rehimeng Arroyo sa pagkakalat ng kasinungalingan na ang mga aktibistang pinaslang o dinukot ng militar ay biktima raw ng isang purga sa rebolusyonaryong kilusan.

Walang purgahang nangyayari sa Partido at hukbong bayan. Walang katotohanan sa inilabas ng Nolcom na dokumento sa masmidya noong Nobyembre 13 na pinamagatang "The Truth Behind the So-Called Political Killings."

Ang naturang dokumento ay naglalaman ng mga umaalagwang kuro-kuro na binudburan ng mga kalahating katotohanan para magmukhang kapani-paniwala. Isa itong desperado at malisyosong pagsisikap ng militar para siraan ang rebolusyonaryong kilusan. Ibinibintang nito sa NPA ang walang awang pagpatay ng militar kina Jose "Pepe" Manegdeg at Albert Terredaño. Mas maaga pa, sinikap din ngunit nabigo si 21st IB CO Lt. Col. Francis Eugenio Lardizabal na ibintang sa NPA ang pagtambang sa pamilyang Claver.

Sino nga ba?

Ang militar, hindi ang NPA, ang itinuturo ng mga biktima, saksi, at kamag-anak bilang maysala sa mga pagpatay at pagdukot. Wala ni isa sa kanila ang naniniwala na NPA ang may kagagawan sa mga pagpatay. Sa kabila ng mga testimonya ng mga saksi na positibong nakakilala sa ilan sa mga pumatay at nagpaliwanag sa mabigat na sirkumstansya na sangkot ang militar dito, wala pa ni isang inaresto o kapani-paniwalang inimbestigahan ng militar o pulisya. Syempre, hinding-hindi nila idadawit ang sarili nilang mga kasamahan.

Ang rehimeng Arroyo, hindi ang CPP-NPA, ang pinagbibintangan ng mga kagalang-galangang international human rights organizations, mga dayuhang mambabatas, abogado, huwes, opisyal ng gobyerno, simbahan, relihiyosong lider, mamamahayag, tagapagtanggol ng mga karapatang pantao, at fact-finding missions, sa serye ng mga pamamaslang ng mga aktibista batay sa sangkatutak at naghuhumiyaw na ebidensya at testimonya.

Ang militar, hindi ang NPA, ang may motibong pumatay sa mga lider at kasapian ng mga ligal at progresibong organisasyon. Karamihan ng mga biktima ay aktibista na lumalaban sa kurakot at brutal na paghahari ni Arroyo. Absolutong kahangalan at kaululan ang paratang na papatayin ng NPA ang mga taong nagsusulong ng mga panlipunang pagbabago na siya rin namang ipinaglalaban ng rebolusyonaryong kilusan.

Ang militar, hindi ang NPA, ang may mga operatiba at tauhan sa mga syudad at sentrong bayan na may kakayahang magpatupad ng asasinasyon at pagdukot sa mga inosenteng sibilyan sa malawak na saklaw, sa mga pampublikong lugar, sa tabi ng istasyon ng pulisya o detatsment ng militar, kahit tanghaling tapat, nang walang takot na matiktikan, mahuli, o makasuhan.Ang militar, hindi ang NPA, ang may napakalaking pondo at lohistika para magsagawa ng surbeylans at asasinasyon—kabilang ang mga espesyal na baril na may silencer, mga tinted vans at motorsiklo na lantarang humaharurot sa kalsada kahit walang plaka, mamahaling kagamitan sa pag-espiya tulad ng high-tech na cellphone interceptor na nakakatukoy ng phone number, nakaka-record ng voice calls, nagpapadala ng mga death threats sa pamamagitan ng text messages, at nakakatukoy ng lokasyon ng mga aktibistang target nila sa pamamagitan ng GPS. Ang MIG at ISAFP ay napilitang umamin na mayroon nga at ginagamit nila ang ganitong kagamitan noong panahon ng iskandalong "Hello Garci." Isang yunit nito ay nagkakahalaga ng $200,000 o P10 million at "pwede lang bilhin ng mga ahensya ng gobyerno o militar" ayon sa website ng nagmamanupaktura nito sa US.Gayunpaman, makulit ang mga dilang ahas ng militar sa pagdudura ng mga makamandag na kasinungalingan na nagbabalatkayo bilang katotohanan. Bahagi ito ng kanilang huling barahang pagsisikap na siraan ng puri ang rebolusyonaryong kilusan. Bahagi ito ng ipinagyayabang ni Gloria na ambisyosong "endgame strategy" na dudurog sa "nagpapatuloy na problema sa insurhensya" sa loob ng dalawang taon. Bakit?Pera, pera, peraAng mga "psywar experts" ng militar ay likas at sanay na sinungaling. Repleksyon ito ng sinungaling, mandaraya, at makamandag na katangian ng kanilang pekeng presidente, ang ina ng mga ipokrita na desperadong kumakapit sa kapangyarihan. Kinokopya ni Gloria Arroyo and estratehiya ni George W. Bush na nagpalabis sa banta ng terorismo para bigyang katwiran ang pagsakop sa Iraq, nag-imbento ng mga kasinungalingan tulad ng pagtatago ng mga mapamuksang bomba (walang nahanapan), o ugnay ni Saddam sa al Qaeda (walang ebidensya). Alam ng buong mundo na ang tunay na motibo ni Bush ay ang langis ng Iraq, pero makapal pa rin ang mukha niyang nagsinungaling.Sa Pilipinas, alam pero hindi aaminin ni Arroyo at ng kasapakat niyang mga heneral na hindi nila kaya at hindi sila maaaring manalo sa digmaan laban sa rebolusyonaryong kilusan habang nagpapatuloy ang bulok na sistema na siya ring di sinasadyang nagbibigay sa NPA ng regular na pangkat ng mga bagong rekluta. Mismong si Fidel Ramos ay bumatikos sa huling barahang estratehiya ni Gloria at nagbabala siyang mabibigo ito. Kung gayon, bakit ipinagpipilitan pa rin ni Gloria at ng kanyang mga heneral ang kanilang ambisyosong plano?Ang pangmilitar na ayuda ng America sa Pilipinas ay umabot sa katakut-takot na $114 milyon noong 2003 at $164 milyon noong 2005 (P8.2 bilyon), liban pa sa $148 milyon sa anyo ng sarplas na lohistika at $2.7 milyon para sa "edukasyong pangmilitar. "Alam nina Gloria at kanyang mga heneral na matatamasa lang nila ang tuloy-tuloy na suplay ng multi-milyong dolyar na suporta ng America kung nagpapakatuta sila sa "digma laban sa terorismo" ng imperyalistang US. Alam na alam nila na kapag walang digma, hindi nila maikakatwiran ang lumulobong badyet ng militar at hindi nila makakamit ang "modernisasyon ng militar." Kung kayat, ano pang mas mainam na paraan para makakuha sila ng pondo mula sa America kundi ideklara ang todo gera laban sa rebolusyonaryong kilusan sa ngalan ng "anti-terorismo" ? Tuwang-tuwa ang mga heneral na sumabak sa imposibleng target na itinakda ng pekeng presidente dahil iyon lang ang daan para makakuha sila ng medalya at promosyon, umangat sa karera, makakuha ng kikbak, iskandalosong benepisyo sa pagretiro, at maperang mga posisyon sa gobyerno pagkaretiro.Sa madaling salita, ang mga tuso at sakim na heneral ay makakatama ng tatlong ibon sa isang putok: patayin ang mga oposisyonista, isulong ang kanilang karera, at yumaman sa proseso.Top SecretAng opisyal pero hindi nakasulat na patakaran ng gobyerno ay "patayin ang mga Kaliwa at ibintang ito sa Kaliwa." Dahil dito, ang mga death squads ay nabigyan ng gobyerno ng nakahandang palusot at garantiya na hindi sila huhulihin o masasakdal. Lisensyado silang pumatay ng gusto nila, nang walang takot na maparusahan.Ang madugong kampanya ng rehimeng Arroyo laban sa ligal na kilusan ay binalak sa isang lihim na pulong ng Cabinet Oversight Committee for Internal Security (COCIS) kung saan kabilang si Gloria Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita, National Security Adviser Norberto Gonzales, former Defense Secretary Avelino Cruz Jr., AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon, at Justice Secretary Raul Gonzales. Ang kanilang pakana ay tinagurian sa salitang animo'y inosente: "nyutralisahin ang pampulitikang imprastruktura ng insurhensya" na ang ibig palang sabihin ay "isang sustenido at malawakang eliminasyon ng mga lider ng mga front organizations ng CPP-NPA para maghasik ng lagim na tatakot sa mga gustong sumapi sa naturang mga grupo, paralisahin ang kanilang kontra-gobyernong pagkilos, at pagkaitan ang CPP-NPA ng suportang pampulitika at pinansyal."Lihim na ibinaba ng pangkating COCIS ang patakarang ito sa lahat ng mga batalyon ng AFP sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaan nilang mga kumander tulad ni Maj. Gen. Jovito Palparan, nang may mahigpit na koordinasyon sa ISAFP, MIG, at iba pang ahensyang paniktik. Ang buong proyekto ay direktang pinopondohan ng GHQ at hindi dadaan sa auditing, bagay na humatak sa interes ng mga naglalaway at kurakot na heneral. Ang lihim na planong ito ay kinumpirma ng ilang opisyal ng militar na hindi makasikmura sa kabangisan ng rehimeng Arroyo at nagpasa ng impormasyon sa rebolusyonaryong kilusan.Modus operandiPara isakatuparan ang plano, ang battalion commander, battalion S2, at hepe ng yunit paniktik ay naatasang bumuo ng isang death squad mula sa hanay ng kanilang tauhan, mula sa CAFGU, at pati mga rebel returnees para kung sakali mang mahuli ay madaling maibintang na "purga ng kilusan." Ang mga rebel returnees ay lilipulin din sa kalaunan at ibibintang sa isang purga. Bibigyan sila ng kakailanganin nilang armas, bala, motorsiklo, tinted vans, safehouse, at iba pang lohistika. Gagawa ang battalion commander, battalion S2, at hepe ng yunit paniktik ng listahan ng mga target na papatayin. Ang mga "prayoridad na rehiyon" ay may mas malaking quota ng target. Bawat batalyon ay binibigyan ng koordinado at takdang panahon para isagawa ang mga asasinasyon, nang sa gayon ay makamit ang "optimum, sustenido, at pambansang saklaw na sindak."Dagdag na patunay sa responsibilidad ng militar sa uhaw sa dugong kampanya nito ay makikita sa powerpoint presentation ng AFP na pinamagatang "Knowing the Enemy" kung saan itinuturing ang mga progresibong organisasyon at party list tulad ng Bayan, Bayan Muna, Anakpawis, at iba pa bilang "communist fronts" at kung gayon ay "kaaway ng estado" na maaari at dapat lang na ituring bilang target pangmilitar. Kahit ang CBCP, UCCP, Philippine Independent Church, at Free Legal Assistance Group ay naisama sa listahang ito. Ang parehong linya ay matatagpuan din sa librong Trinity of War na siyang Bibliya ng mga heneral ng AFP at PNP sa kanilang kontra-insurhensyan g kampanya.Isinisiwalat din ng mga deklasipikadong dokumento ng US ang pangangasiwa ng mga US "military advisers" at CIA sa pagbubuo ng mga death squads sa 43 bansa, kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Latin America, at iba pa.Aroganteng inamin din ni "Berdugo" Palparan nang madulas ang dila niya sa masmidya sa pagsabing ang mga biktima ng politikal na asasinasyon ay bahagi lamang ng "collateral damage" sa kontra-insurhensyan g digma. Ang direktiba ng GHQ ay: "Huwag pag-ibahin ang armadong rebelde sa di-armadong sibilyang sumusuporta. " Ito ay lantarang paglabag sa internasyonal na makataong batas at alituntunin sa digma. Ang pagpuri ni Arroyo kay Palparan sa kanyang State of the Nation Address ay pahiwatig ng pagsang-ayon niya sa mga pamamaslang.Ipinapakita nito kung gaano kalalim ang pasistang kaisipan ni Arroyo at ng militar. Para sa kanila, makatwiran ang pagpatay sa mga komunista. Wasto ang pagpatay sa mga sumusuporta at sumisimpatya sa mga ito, kahit pa sila'y di-armadong sibilyan. Walang karapatan ang mga taong ganito at itinuturing silang parang hayop na kakatayin. "Ang paggamit ng dahas ay makatwiran!" "Ang layunin ay nagbibigay-katwiran sa pamamaraan!"Ito ay lubos na kataksilan at karuwagan. Dahil hindi nila magapi ang NPA sa marangal na labanan, ang mga manlalapa ni Gloria ay ibinabaling sa pagpinsala at pagpatay sa walang-laban at di-armadong sibilyan—sila man ay hamak na magsasaka, marangal na obispo, kumakayod na mamamahayag, o inosenteng bata—sa ngalan ng "kontra-terorismo. "Mga Panginoon ng PanlilinlangAng hangganan ng kasakiman ng rehimeng Arroyo sa kapangyarihan ay hindi nagtatapos sa huramentadong pagsupil sa Kaliwa, kundi sumasaklaw din sa iba pang politikal na oposisyon. Mismong asawa ni Gloria Arroyo ang namamahala sa departamento ng maruruming taktika ng rehimen. Siya ang namuno sa paninigurong manalo ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pandaraya sa eleksyong 2004, panunuhol, pagkidnap o pagbanta sa mga "kontrabidang" opisyal ng COMELEC at mga kamag-anak nila, o paglipat sa mga di mapagkakatiwalaang opisyal ng militar sa ibang lugar o trabaho.Bahagi rin ng maruming taktika ni Mike Arroyo ang mahigit 40 na kasong libelo laban sa mga mamamahayag, pagkidnap at pagbanta sa buhay ng mga pamilya ng mga testigo sa Senado at oposisyon, pagsunog sa mga dokumento ng eleksyon para mawala ang ebidensya ng pandaraya, pekeng banta ng pagbobomba, pekeng pakana ng asasinasyon kay Arroyo, paglikha at pagtanim ng pekeng ebidensya laban sa mga karibal, pekeng testigo, gawa-gawang kaso laban sa Batasan 5 at dagdag na tortyur sa Erap 5, ganting salakay at paninira sa mga karibal sa pulitika tulad ng tangkang suspensyon kay Makati Mayor Jejomar Binay, "calibrated preemptive response" laban sa mga nagrarali, atbp.Samantala, nagmamaang-maangan ang Gloria Arroyo sa mga nangyayari. Kunwa'y wala siyang alam sa mga berdugong gumagawa ng maruming trabaho para sa kanya, at kahit pa magamit ang buong arsenal ng gobyerno para sa samutsaring karumal-dumal na taktika para puksain ang kanilang mga kaaway.Isa pang paboritong taktika ng psywar department ng militar ay ang paggamit ng pekeng mass graves tulad ng sa Bukidnon, na mariing tinuligsa at pinabulaanan ng gobernador at iba pang opisyal ng Bukidnon. Dagdag pa, ang mga pagkakamali ng kilusan dalawampung taon na ang nakakaraan ay matagal nang itinakwil at itinuwid sa pamamagitan ng kilusang pagwawasto, at ang mga utak sa likod ng mga pagkakamali ay itiniwalag sa Partido.Marahil ay inaakala ni Arroyo na ang isyu ng politikal na pamamaslang ay mamamatay at lilipas lang tulad ng iskandalong Hello Garci, pero nagkakamali siya.Ang mga kasinungalingan ni George Bush ay nagsimula nang magbuwelta sa kanya at sa ultra-kanang kasapakat niya. Ang sandaigdigang pagsumpa sa kanya ay umabot na sa hanay ng mismong mamamayang Amerikano na ngayon ay nagtatakwil kay Bush. Ganyan rin at higit pa ang mangyayari sa reyna ng Pilipinas at sa kanyang mga heneral. Mahusay na natuto ang mga psywar experts ng Pilipinas sa kanilang Amerikanong guro, subalit wala silang natutunan mula sa rebolusyonaryong kasaysayan ng sambayanang Pilipino.Muli, ang rebolusyonaryong kilusan ay hindi namamaslang ng aktibista para lang siraan or pahiyahin ang gobyerno o makakuha ng politikal na bentahe. Malayong sapat na at ubod ng husay ang ginagawa ng rehimeng Arroyo para siraan at ipahamak ang kanyang sarili sa iskandaloso, kurakot, mapanlinlang, at teroristang paghahari nito. Ang CPP-NPA at ang rebolusyonaryong kilusan ay hindi terorista, kundi lehitimong pwersang lumalaban para sa pambansang pagpapalaya mula sa dayuhang dominasyon, lokal na pyudalismo, at burukrata kapitalismo.Kung alam lang ni Gloria at ng mga heneral niya, simple lang ang kalutasan ng "problema sa insurhensya"— ipatupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, panindigan ang pambansang kasarinlan at demokratikong mga karapatan ng sambayanan, at itakwil ang tatlong batayang problema sa lipunang Pilipino. #

Friday, December 01, 2006

Featured young guitarist: Jaslyn Samantha R. Nicolas

Dear students:

PLease buy the December issue of Good Houskeeping. A little girl named Jaslyn Samantha R. Nicolas is being featured as a young musician. She is takingup music at the UP College of Music, taking up guitar lessons. She is just eight years old and she happens to be my daughter.

PLease buy the December issue. Thanks for the support.

Justin V. Nicolas
(proud father!)