Thursday, September 30, 2010

SOCI MAKE UP EXAM

SOCI 1013 MIDTERM MAKE-UP
1. Ipaliwanag ang konseptong “Sociological Imagination.” ANo ang mga mahahalagang aspeto na kailangan sa pag-aaral ng lipunan. Ipaliwanag. (15 na puntos)
2. Ipaliwanag ang konsepto ni George Herbert Mead ng “Taking the Role of the Other.” Ipaliwanag ang dynamics ng “Self” at ng “Others” upang mabuo ang “self-concept” at para mapabilang sa lipunan at matutunan ang kultura nito. (25 na puntos)
3. Ipaliwanag ang iba’t ibang uri ng Socialization. Magbigay ng halimbawa. (15 na puntos)
4. Talakayin ang pagkakaiba ng Functionalist Perspective at Conflict Perspective. Pumili ng perspecktiba at ipaliwanag ang debateng nagaganap hinggil sa pagpapatupad ng Reproductive Health Act. (20 na puntos)
5. Ipaliwanag kung bakit may mga naghihirap at kung bakit hindi pantay-pantayang estado natin sa lipunan. Anu-ano ang mga basehan ng stratipikasyon na ito? Talakayin ang lang teorya hinggil sa stratipikasyon at kahirapan (poverty). (25 na puntos)

Patnubay:

1. Gumawa ng bagong file at lagyan ng filename na may format na SECTION_NAME_MIdtermmakeup.doc (example BSPE1-1_Jerome_MIdtermmakeup.doc)
2. Kopyahin ang mga tanong sa bagong file.
3. I-type ang mga sagot sa bagong file. Kung gumamit ng libro o internet na datos, isulat ang source at ang buong URL. Kapag walang source, babawasan ng puntos ang inyong sagot.
4. HUwag mag copy-paste mula sa Internet (Kabobohan ‘yun). Basahin ang source at sagutin ang mga tanong ng sangayon sa inyong pagkaintindi.
5. Sagutin ang eksam ng nag-iisa. Huwag makipagtalakayan sa kaklase. (Kapag nakipagtalakayan kayo, bawas sa puntos ninyo…sa langit.)
6. I-copy paste ang inyong mga sagot sa message ng email at ikabit ang Word file bilang attachment. Kapag walang attachment, hindi mababasa ang eksamin ninyo.
7. Email ninyo ang mga sagot sa o bago mag Oktubre 3, 2010 Linggo.

Salamat.
JFLVN

Labels:

1 Comments:

At 6:28 AM, Blogger jerome gozon said...

sir ang hirap ahhh.^_^

 

Post a Comment

<< Home